Walang Forever


Sinabi mo sa akin may Forever
Pero bigla kang nang-iwan
Kaya naglakad ako palayo
Palayo sa 'yo, palayo sa inyo

Dinama ko ang ulan, pinakirandaman ko kung ano ba ang mas malamig
Ikaw o ang ulan?

Linusong ko ang maruming baha, tiningnan ko kung ano ang mas delikado
Ikaw o ang baha?

Hindi ako uminom ng gamot, sinubukan ko kung mahirap bang magkasakit o mas mahirap kung wala ka

Sinugatan ko ang sarili ko, tinantsa ko kung masakit bang masugatan o mas masakit na nawala ka

at ito

Nakaratay ako ngayon sa kama ng kamatayan
Iniisip ko tuloy kung ano ba talaga ang katapusan
Nung umalis ka sa akin o ngayong mamaalam na ako sa sanglibutan

'Di ba may Forever ang sabi mo
Bakit nandito ako ngayon wala ka na? 
tapos na ba ang Forever na sinasabi mo?
Powered by Blogger.