Hi! Ako nga pala si Lawrenz



Hi! Ako nga pala si Lawrenz. Future boyfriend mo. Alam kong hindi mo pa alam na ikaw ang future girlfriend ko, at ganu’n din naman ako. Pwedeng nakasabay na kitang kumain sa Jolibee, nakasabay sumakay ng bus, kasamang tumawid sa EDSA, nakaka-chat sa facebook, nakatabi sa Internet Shop, naging kaklase sa Emilo Aguinaldo College, nakabungguan habang nakikitsismis kay Aling Beth na tindera ng almusal sa Barmat, nakatabi sa simbahan, o baka naman hindi pa tayo nagkikita. Alam mo... ngayon pa lang nagpapasalamat na ‘ko na darating ka sa buhay ko, na pagtiya-tiyagaan mo ‘ko, na pagtitiisan mo ‘ko. At siyempre, thankful din ako kay God, sa dinami-rami kasi ng puwede mong mapagtisuran, sa ‘kin ka pa Niya pinadala.

 Hindi ako kasing pogi ni Coco Martin, pero sinisigurado kong ikaw lang ang magiging leading lady ng buhay ko. Sabihin na nating hindi ako kasing macho nilaJames Reid pero sisiguruhin ko naman sa ‘yo na handa akong i-umpog sa muscles ko kahit pa si Thanos ng Infinity Wars maprotektahan ka lang. Hindi pelikula ang buhay, kaya, pagpasensiyahan mo na kung wala akong dalang masyadong special effects, ha? I love you naman, eh. Hihihi. Simpleng tao lang kasi ako, ang maipagmamalaki ko lang naman talaga, eh, ang pag-ibig ko sa ‘yo na ‘di magbabago :)

 Hindi ko maipapangakong magiging perpekto ang magiging relasyon natin. Alam kong may mga ups and downs din, Sure ako may topak ka din pero okay lang. may topak din ako :) minsan pa nga isip-bata, minsan isip-ipis pa. Pero alam kong makalalagpas tayo sa lahat ng pagsubok. Hindi ko maipapangakong magiging okay ang lahat, ang maipapangako ko lang, mamahalin kita nang buong-puso, at hinding-hindi kita iiwan. Araw-araw kitang liligawan, araw-araw kitang susuyuin, rerespetuhin at tatangkilikin, araw-araw kong sasabihin sa ‘yo kung gaano ako kasuwerte na dumating ka sa buhay ko, araw-araw kong sasabihing mahal na mahal na mahal kita. Marami tayong pagdaraanang mga problema, totoong hindi lagi’y Valentines, pero, asahan mo, sa hirap man o ginhawa, kasama mo ako. Magkasama tayong dalawa. promise cross my heart. sabay nating lulutasin lahat ng problema. Sabay natin gugunitain pagkapanalo ni Presidente Duterte, Giyera sa Marawi at ang masalimuot na lovelife ni Cardo Dalisay. Pero, higit sa lahat, magkasama nating hahanapin sa imburnal ang anak ni Aling Vicky. Marami tayong pagtatalunan, simula sa kungsino ba talaga ang dapat gumanap na Darna..Walang dull moment. Gagawa tayo ng magagandang alaala, na balang-araw ay ikukuwento natin sa mga kaapu-apuhan natin.

 Lahat tayo ay tumatanda, pero huwag kang mag-alala. Magka-wrinkles ka man, pumuti man ang buhok natin, pangako, ikaw ang magiging pinakamagandang princesa sa buhay ko. Ay, mali, s’yempre, ‘yung magiging baby girl pala natin ‘yung princesa, ikaw ‘yung reyna, Kayong dalawa ang magiging pinakamaganda sa paningin ko, at wala nang iba. Walang magiging third party. Hindi sila welcome sa itatayo nating Palasyo. Naniniwala ka ba sa happy ever after? Ako kasi, oo. Korni, ‘no? Okay lang ‘yan. Kung naniniwala ka rin, eh ‘di sabay tayong maging korni. :) Hayaan mo ‘yung iisipin ng iba; ang mahalaga, mahalaga ka sa akin. :) Bago matapos ‘to, gusto ko lang sanang sabihin na hintayin mo ako, ha? Parating na ako. Medyo natraffic lang dami kasi alembong :) dont worry Loyal at Tapat akong nagmamahal sayo.

Kung nasaan ka man ngayon, promise, on the way na ako. At sana, sana talaga, kapag dumating na sa punto kung saan pinag-tagpo na tayong dalawa ng tadhana, huwag mo na sana akong iwan pa, ha? At sana, ikaw na ang maging huli. Hanggang dito na lang, Mahal, ha. Alam kong marami kang ginagawa. Salamat sa pagbabasa ng sulat ko na para sa ‘yo, kahit na medyo korni ang pagkakagawa. Mua mua tsup tsup! At higit sa lahat, I love you. :)

 Sincerely Yours, Lawrenz
(Your friendly [but not play boy] future boyfriend)
https://www.facebook.com/lng99
Powered by Blogger.