Mga yapak sa Buhanginan

Isang gabi,ako ay nanaghinip.
Habang ako'y naglalakad,
sa dalampasigan na kasama ang Panginoon,
Nakita kong nakasalimbay sa kalawakan,
Ang mahahalagang tagpo sa aking buhay.
Sa bawat tagpo,ang nakita ko'y ang bakas ng dalawang pares ng paa sa buhangin. Ang isang pares ay sa akin,at ang isa'y sa Panginoon.
Nang tumambad sa paningin ko ang huling tagpo ng aking buhay,
tumingin ako muli sa bakas ng mga paa sa buhanginan at sa aking pagtataka,
sa maraming hakbang na naganap sa lakbaying yaon,
ang nakita ko sa buhanginan ay bakas lamang ng isang pares na paa,
na humakbang sa pinakamalungkot na sandali sa aking buhay.
Dahil doon ay nagtanong ako sa Panginoon;
"Panginoon, sinabi mo na kapag nagpasya akong sumama sa iyo
sasamahan mo ako sa lahat ng saglit.
Subalit sa mga sandaling kailangang-kailangan kita,
ang nakita ko sa buhanginan ay bakas lamang ng isang pares na paa.
Hindi ko maunawaan kung bakit kung kailangang-kailangan kita
ay tsaka mo ako pinabayaan.


Sumagot ang Panginoon,

“Pinakamamahal kong anak,

Hindi kita pinabayaan

Sa panahon ng sakit at hirap,

Sa panahong tila isa lamang

Ang bakas ng naglalakad;

Yoon ang panahong

Binubuhat kita.”



Powered by Blogger.