Letra ng Pagsusumamo Tagalog Poem
Mga titik sinulat sa isang papel,
Mga letra, kulay ay kahel,
Bawat talata, itinugma,
Isinukat itinama,
Kapiling sa saya, lungkot at pag-iisa,
Mag-isang nagsusulat gamit ay pluma,
Tanging kawan papel at tinta,
Sa aking tunay at labis na pagsinta,
Tuwing iniisip, ulilang puso sayo sabik na,
Mga pinagdaanang giyera, puso ay bato na
Tinitibok sayo ngayo'y wala na,
Pagsisising ganap ang pangungulila
Sa bawat pagsulat ikaw ang alaala
Kasama ang pag-asang ikaw ay bumalik na
Na sa bawat tuldok halik ng pagsinta,
Dahil bawat linya nakalakip ang pagsamba.
- Lawrenz Gonzales
Leave a Comment