Ulan sa Aking Puso Tagalog Sad Poem


Unti-unting binibilang,
Mga patak ng bumubuhos na ulan,
Walang tigil, walang hanggan,
Sa tulad kong nababalot ng kalungkutan,

Naaalala mo pa ba?
Noong araw na muli tayong nagkita,
Batid ko sa iyong mukha na ika’y masaya,
Ngunit sumabay, pagbuhos ng ulan,
Dagliang pinawi, ating nararamdaman,

Sabay sa pagkulog, pagkidlat,
Dumagundong ang langit, saki’y sumambulat,
Sa ‘king pagbalik sa dating tagpuan,
Ika’y wala na, ako’y iniwan,

O ano nga ba ang tunay na dahilan?,
Panahon, oras, distansya lang ba ang sukatan?,
Basta ito lamang iyong pakatatandaan,
Ni kailanma’y di ka kinalimutan, iniwanan,

Ngunit di naman sa pagsusumbat,
Ito lamang sayo’y ipinagtatapat,
Pagka’t alam ko na iyong naiintindihan,
Na sayo’y nangungulila,
Nais na mahagkan,

Sige’t hanggang dito na lang,
Alam kong iyo nang nawawatasan,
At kahit na ilang ulit pa na ako’y masaktan,
Ay di ka iiwanan, ako’y naririto lang,
Wala sa bilang ng taon o milyang distansya, aking hahamakin,
Iyong tandaan, na lagi ika’y iibigin,
Powered by Blogger.