Para sa mga Brokenhearted.



Pag BrokenHearted si Best, dyan ka lang lagi sa kanya.

Sa Pag-ibig maraming nasasaktan, maraming umiiyak, at worst of all maraming kayang pumatay at magpakamatay, dahil ang puso ay marupok at mahina. Kapag niloko’t pina-asa mo sukdulang kinababaliw ito ng karamihan sa atin. Hindi natin sila masisisi kung bakit nagkakaganon. nagiging mahina talaga ang bawat isa, may kasabihan nga na Nagiging Bobo ang isang Matalino sa Pag-ibig. dahil ang Pag- ibig ay sadyang makapangyarihan na kaya netong paikutin kahit na ang isang Heneral o Pangulo ng Bansa. dahil sa pag-ibig lahat ay nagiging alipin. Bakit nga ba nagkakaganito? Siguro madalas na kadahilanan ay... sa sobrang pagmamahal ginagawa na nating mundo ang pag-ibig.

Pag may kaibigan kayong brokenhearted, wag kayong mapapagod makinig sa kanila kasi sa ganitong panahon nila kayo sobrang kailangan, kailangan nila ng mga taong makikinig at uunawa sa pinagdadaanan nila at higit sa lahat wag niyo sanang masyadong ipilit ang pagmu-move on hindi yun madaling gawin, lalo kung hindi niyo alam ang lalim ng sakit at tindi ng pagmamahal nila.. just be there to listen.

 Nagiging mahirap ang pag-move on kapag ikaw lang talaga mag- isang lumalaban. Mahirap makalimot sa nakaraan ng Pag-ibig, May mga bagay talaga na mahirap makalimutan lalo na kung marami kayong pinag-samahan, yung mga panahon na lagi kayong mag-kasama, lagi kayong nag-uusap, at yung mga bagay na hindi mo inaasahan na gagawin niya para lang sa’yo.

  Mga nakaraan na lagi mong naaalala and usually ito ang nagiging problema kaya lalong tumatagal ang problema. tumatagal ang pag move- on. Kasi sa totoo lang may panahon na hihihintay natin kung magkakabalikan pa rin sa isat- isa. Dahil naniniwala tayong the best of romances deserve second chances. Hindi naman mahirap mag-move on e, kung gusto mo madali lang naman. Ang hirap nga lang kase e hindi mo lang talaga siya kayang pakawalan. Akala mo mahal ka pa nya pero sa totoo lamg ikaw lang itong nag- aakala.. alam mo kung mahal ka talaga ng isang tao, hindi ka nya kayang saktan at iwan kahit kelan, magtitiis yan nandyan sa tabi mo sa hirap man o ginhawa dahil ang isang totoong nagmamahal ay laging umaasa ng Forever.


Powered by Blogger.