I like you to the highest Nth Power
"Ginawa ko lahat hanggang sa pinakamataas na exponent na kinaya ko. Naging loyal ako sayo kahit na against satin lahat ng formula sa mundo. Naniwala ako na walang ibang radicals ang given na mamagitan satin. I tried all derivations I knew para maging ako yung lalakeng pangarap mo. Ginawa ko na lahat ng proof mapatunayan lang ang sarili ko sayo. Inintindi ko lahat ng formula ng ugali mo. DISTANCE formula na lumayo sa iba, kasi ikaw lang ang gusto ko. MIDPOINT formula para makuha ko kung san tayo pwede magtagpo at magkaintindihan. But suddenly, yung dapat na derivatives ay naging anti-derivatives. Yung dapat na differentiation ay naging integration. Parang biglang nag-rear view yung dapat na front view. Suddenly, gusto mo ng tumahak sa parallel lines na ako yung isa. Sa mga linya at landas na kahit kelan hindi magtatagpo. Bakit biglang nabago yung constant na sinabi mong ako lang? Bakit biglang nagsyntax error yung calculator ng feelings nating dalawa. Naging No Solution yung problema. Bakit biglang hindi na connected sa series man o sa parallel yung nararamdaman natin sa isa't isa? Bakit wala ng current flowing? May iba na bang kumonekta? o sadyang wala ng baterya? Pero diba sabi mo one is to one function tayo? Bakit bigla kang naging one is to many? Ilang electrons ba ang kailangan mo para magkabond ulit tayo? O baka gusto mong imemorize ko yung periodic table of elements mula Hydrogen hanggang Ununoctium? Bakit lahat ng plano nanatiling plano nalang? Kailan mo gagawing scale model na 1:3 ang ratio? Ilan bang volts ang gusto mo para lang manatiling ako lang? Ilang negative signs ang kailangan kong icancel para manatili ka sakin? Kasi kahit anong rationalize ang gawin ko, parang hindi na tayo pareho ng gusto. Kasi ang gusto ko, maging ako na kasama ka. Pero ikaw? Gusto mong maging ikaw na wala ako.
Kaya -, sabihin mo sakin kung anong exponent ang gusto mong iraised ko. Para lang bumalik tayo sa dating tayo. Kasi kung saang point in the circle mo ako iniwan, nandun parin ako. Walang slope ang nakapagpaalis sakin kung saan mo 'ko binitawan. Walang kahit anong correction tape ang makakapagtakip ng sakit na iniwan mo. At kung sadyang may iba ng ballpen ang nakakapagsulat ng kasiyahan mo, wala na kong magagawa.
At ang huli kong sasabihin sayo, sa lahat ng math problems na sinagot ko. Ikaw yung mali pero pinakapaborito ko. Gusto kita raised to the power of infinity and beyond "
Leave a Comment