Tula Ng Pag-Ibig
Nais kong makabuo ng isang tula
Ngunit di alam kung paano ang simula
Di ko alam kung paanong ang mga letra
Ay lalaruin upang maging isang obra
Di ko alam kung paanong ang mga letra
Ay lalaruin upang maging isang obra
Nais kong makabuo ng isang tula
Na ang kariktan nito’y di mawawala
Hindi tulad ng iyong mga pangako
Na halos ang kabuuan ay napako
Na ang kariktan nito’y di mawawala
Hindi tulad ng iyong mga pangako
Na halos ang kabuuan ay napako
Pagsusumikapan ko na makabuo
Gaya ng pagbuo sa durog kong puso
Lalapatan ng magandang simulain
Na parang yung “tayo” na naglaho lang din
Gaya ng pagbuo sa durog kong puso
Lalapatan ng magandang simulain
Na parang yung “tayo” na naglaho lang din
Lalagyan ng magagandang salita
Tulad ng iyong sinabi sakin sinta
Idedetalye ang bawat pangyayari
Yaring tayo na di alam ang nangyari
Tulad ng iyong sinabi sakin sinta
Idedetalye ang bawat pangyayari
Yaring tayo na di alam ang nangyari
Dito ilalahad sigaw ng damdamin
Na sayo’y di manlang maamin
Sa pamamagitan ng tula kong ito
Damhin mo itong aking pagsusumamo
Na sayo’y di manlang maamin
Sa pamamagitan ng tula kong ito
Damhin mo itong aking pagsusumamo
Panghuli, matatapos sa isang wakas
Kung paanong ang pag-ibig mo’y nagwakas
Subalit ito’y pupunuin ng saya
Upang di matulad sa’ting nagdurusa
Kung paanong ang pag-ibig mo’y nagwakas
Subalit ito’y pupunuin ng saya
Upang di matulad sa’ting nagdurusa
Leave a Comment