IN NOLI ME TANGERE, THEY DON'T SAY...

 


 
ー IN NOLI ME TANGERE, THEY DON'T SAY...
"KUMUSTA KA"
 
ー Instead, they say: "Isalaysay mo sa akin kung paanong lumipas sa iyo ang maghapon. Marinig ko lamang ito sa iyong mga labi ay para na rin akong nakipagsaya sa inyo."
 
"MALAYA KANA/PINAPALAYA NA KITA"
 
ー Instead, they say: "Patawarin mo ako kung nainip ako’t sumuko. Patawarin mo kung naging mahina man ako. Patawad sa hindi paglaban. Mahal, palayain mo sana ang iyong sarili sa pag-ibig kong taksil."
 
"MALUNGKOT AKO"
 
ー Instead, they say: "Kasabay ng pagpatak ng aking mga luha ang sya namang pagbuhos ng malakas na ulan, na tila ba nakikiayon ito sa aking kapighatian."
 
"MAHAL PARIN KITA"
 
ー Instead, they say: "Mananatiling ikaw ang paksa sa mga isinulat kong tula."
 
"IKAW LANG SAPAT NA"
 
ー Instead they say: "Ikaw pa rin kahit masakit, ikaw pa rin kahit nakakadurog, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko kahit wala ka na sa akin, ikaw pa rin kahit hindi na ako."
 
"MARUPOK" 
 
ー Instead, they say: "Kay dali ninyong malinlang ng matatamis na pangako na hindi man lang pinag-aralan ang magiging bunga."
 
"I MISS YOU SO MUCH"
 
ー instead, they say: "Hanggang ngayon... ako’y naghihintay. Lagi akong nagbabaka sakaling babalik ka, kung kaya’t parati akong naghihintay sa hardin na ating pinagtatagpuan.”
 
"HAPPY MOTHER'S DAY"
 
ー Instead, they say: "Ikaw ang ilaw ng tahanan na laging andyan upang magbigay liwanag sa aming buhay"

Powered by Blogger.