Pinoy, Tagalog Jokes atbp...



 Sa Isang Jeep…
Pasahero: Mama, Magkano Po Yung Pasahe?
Driver: 7.50 Yung Minimum
Pasahero: (Dumukot ito sa bulsa para kunin yung pera niya, ngunit sa di sinasadyang dahilan kulang yung pamasahe niya.) Patay, kulang yung Pera Ko. Paano kaya ito? (Nag isip ito at lumingon sa Driver. Napansin niya na Duling ito. Sabi niya sa kanyang sarili, tama duling yung Driver sigurado pag nagbigay ako ng 3.75 di niya mapapansin na kulang yung Pera ko. Kasi Doble yung paningin nito. Inabot niya sa Driver yung Pera.
Ngunit laking gulat niya nung may sinabi yung Driver sa kanya.
Driver: Kulang ito ah!
Pasahero: Anong kulang? Di ba sabi mo 7.50 yung Minimum?
Driver: Oo nga 7.50 eh Dalawa kaya kayo.

Teacher: Juan late  ka na naman feeling mo lagi matalino ka ah! Sige nga sino ang national hero natin?
Juan: Jose Rizal Maam.
Teacher: aba nakatsamba ka ah.
Juan: e Maam si Sonya kilala mo ba sya?
Teacher: hmm hindi, bakit sino ba sya?
Juan: ayan puro kasi kayo turo at aral KABIT yun ng asawa mo!

Pasyente: Doc mahina ang pandinig ko, kahit oto ko hindi ko marinig!
Doktor: Ito inumin mo an wonder pills para sa isang lingo
Pasyente: Lalakas na ho baa ng pandinig ko Doc?
Doktor: Hindi… pero lalakas ang otot mo!

BOY: miss, pwede magtanong? anong oras na?
GIRL: nagtatanong ka ng oras? tapos tatanungin mo name ko? tapos hihingin mo number ko? tapos liligawan mo ko? tapos after 1 month pa-charming akong sasagutin ka.. tapos bibisita ka sa bahay.. tapos magde-date tayo.. tapos syempre pakipot naman ako.. tapos dadalhin mo ako kahit san lang.. tapos may mangyayari satin.. tapos mabubuntis ako.. tapos papakasal tayo.. tapos bubugbugin mo lang ako! at paano na ang bata?! Hindi!!! Hindi ko sasabihin kung anong oras na!!
BOY: (speechless)

Sa eskwelahan…
Teacher: Ang unang makasagot ng tanong ko siya ang unang makakauwi.
Tinapon ni Juan ang kanyang bag
Teacher: Kanino ang bag na yon?!
Juan: Mam, akin po. Bye Mam! Bye classmates see you tomorrow. Uwi na  ako!..

Nanay: anak bakit may zero s kamay mo? Hindi kaba nakasagot kaya binigyan ka ng zero?
Anak: Nay hindi po zero yan, moon daw po yan, moon. Sabi ni teacher naubusan daw po sya ng stars kaya moon nalang…

Anak umuwi ng bahay…
anak: (galit) nay, pinapatawag kayo sa school!
nay: bakit? may ginawa kana namang katarantaduhan?
anak: ako ba?? baka ikaw, ikaw nga pinapatawag e.

Sa kalagitnaan ng gera…
pedro: sumuko na kayo! wla rin kayo mapapala.
terorista: susuko lang kami kung mai-spell mo yung ceasefire ?
pedro: ituloy ang laban! patay kung patay! Padadalhan ko kayo ng crysanthemum sa inyong libing!
terorista: spell crysanthemum?
pedro: sabi ko rose, bingi ba? Laban kung laban..walang spelingan . . Hahaha. .



Powered by Blogger.