Ruta





Hindi maganda ang byahe ko ngayon ,
boundary pa lang wala pang maiipon ,
Nagmadali pa naman ako kaninang umaga ,
di ko akalaing magiging malas ang ratsada ,

Pag dating ko sa kanto ng monumento ,
Pagputok ng gulong ang narinig ko ,
Ang walang awang pulis naglapitan ,
kinunan pa ako ng pang agahan.

Di ko naman ninais kumita ng malaki ,
malamnan lang sana ang tyan ng aking katabi ,
kakarampot na pambaon para sa iskwela ng anak ko ,
pangbayad sa ilaw ,
tubig at sa may ari ng kubo .

Siguro hindi sana ako ganto ngayon ,
kung sana'y tinapos ang kurso ko noon ,
natangay sa agos ng panahon ,
nadarang sa init , nakapag-asawang pilit .

Nagbago ng bigla ang buhay binata ,
Pangbaon sa kolehiyo naging panggatas ng bata .
Nagulat ako ng aking napansin ,
Byahe ng buhay ko'y , nag iba na pala ng ruta.
Powered by Blogger.