Nagpaantok sa pagsulat sa inyo


Madaling araw na di pa din ako inaantok siguro dala ito ng nainom kong kapeng barako.Dati ratiy hindi naman ganito kaya eto nagsulat muna ako para sa inyo.Ano ba ang maibabahagi ko sa inyo? mabasa nyo kaya ito? baka maaga din kayo natulog tulad ng lolo ko.Dati rati sa mga ganitong oras nasa oras ako ng aking trabaho,ang magsilbi ng pagkain sa Hotel na pinagtatrabahuan ko.Nagtagal din ako dun ng tatlong taon,anim na beses na renew kontrata ko kya lang hindi ako na regular dahil hindi ako 6'2.Ganun talaga pag hindi ka daw kumakain nuong maliit ka pa ng star margarine at umiinom ng chlorela plus hindi ka tangkad bida tulad ni Robin Padila.Napakasarap talagang balikan mga nakaraang nagdaan sa ating buhay lalo na sa oras ng nagpapaantok ka pala,imagination dito imagination duon gawa ko ngayon pati pagbilang ng tupa inulit-ulit ko na ;) Haaays.. kakaantok na ...hahaha! medyo tumatalab na ata pampaantok kinarir ko na talaga.Ayan nararamdaman ko na pabigat na ng pabigat mata kong cute na pinagpantasyahan ng mga kababaihan nuong ako ay nasa kolehiyo pa,isang mata ko na lang pala ngayon ang nakamulat at iyong isa ay pikit na..naks! nag joke pa..ayan napangiti pa yung isa diyan,huwag tumawa dahil mamaya mag-isa ka na lang magbabasa sa sinulat kong ito na malamang hindi ko na matapos dahil makakatulugan ko...tweeenk! tapos na po antok na po ako ikaw inantok ka na din ba sa nabasa mo? ;)
......goodnight or should I say good morning? ok good morning goodnight.
Powered by Blogger.