Ch4knu and Dexie Best and Famous Hugot Lines
Ch4knu and Dexie Best and Famous Hugot Lines
May mga tao talagang hindi para sa isa’t-isa. Ang masakit pinagtagpo pa.
Ang hirap talaga kapag kulang. Katulad ng bahay na walang ilaw. Ng adobo na walang sitaw. Itlog na walang dilaw. At ako pag walang ikaw.
Ang pag-ibig, Hindi lang basta isang emosyon na nararamdaman. Kundi isang desisyon na dapat panindigan.
Lahat tayo binigyan ng pagkakataong maging tanga pero hindi porket libre ay araw-arawin mo na.
Yung kayo pero parang walang kayo.
Alam mo ba ang salitang pagmamahal? Hindi ko yan pinag-aralan. Pero sayo ko yan natutunan.
Sa pag-ibig walang bulag, walang pipi, walang bingi, pero tanga madami.
Gaano kalaki ang kamay mo. Para hawakan ang mundo ko.
Mas okay na yung friendship na parang may something, kaysa sa relationship na parang nothing.
Hintayin mo ang true love mo. Na-traffic lang yun sa malalanding tao.
Importante naman talaga ang pinagsamahan, pero mas mahalaga ang pagsasabi ng katotohanan.
May mga taong di payag na mawala ka. Pero di naman gumagawa ng paraan para manatili ka.
Hindi mo pa nga ako binabato, tinamaan na ako sayo.
Buti pa ang travel mo kaya mong planuhin. Ako kaya? Kelan mo paplanuhing mahalin?
Matuto kang sumuko kapag nasasaktan ka na ng sobra. Minsan kasi ginagago ka na, kinikilig ka pa.
Bakit kita iiyakan. Kaya naman kitang palitan.
May taong binigay ng Diyos para lang makilala mo at hindi para makasama mo.
Oo na. Intense na kung intense! Ganun ako magmahal eh. Palibhasa. Nagmahal ka lang kapag convenient.
Ang sakit malaman na ang taong mahal mo kaibigan lang ang turing sayo.
Darating yung araw kung saan masasabi mong sana hindi na lang tayo nagkakilala.
Leave a Comment