Pag- ibig sa unang pagkikita
Isang araw nang ikaw ay masilayan
Tunay na naakit sa iyong kagandahan
Tila anghel na nanggaling sa kalangitan
Binihag aking puso at pinaibig ng lubusan.
Ang gustong makamit ay isang pag-uusap
Sa pagtingin sayo ang mata’y ayaw ikurap
Ang iyong mga mata’y tala na kumikislap
Ang pakiramdam ng aking puso’y nasa ulap.
Ang nararamdaman ay nais nang aminin
Isinisigaw ng puso na ako’y may pagtingin
Ang puso mo sana ay ngayo’y mapasa-akin
Gagawa ng paraan para ako’y ibigin mo rin.
Sa aking ugali ikaw na ay masanay
Balak ko kasing ibigin ka ng pang-habang buhay
Balang araw ay hihingin na ang iyong kamay
Pangako ko’y mananatili rito hanggang ako’y mamatay.
Leave a Comment